DEUTERONOMY
12:5
5 Sa
halip, hanapin ninyo ang lugar na pipiliin ni Yahweh sa lupain ng isa sa inyong
mga lipi; doon lamang niya ipahahayag ang kanyang pangalan at iyon ang
ituturing niyang tahanan.
I CHRONICLES 17:1,9-15
1 Nang si Haring David ay nakatira na sa kanyang
palasyo, sinabi niya kay Propeta Natan, "Ang tahanan ko'y yari sa sedar,
samantalang nasa isang tolda lamang ang Kaban ng Tipan ni Yahweh." 9 Bibigyan ko ang Israel ng sariling lupain at hindi na
sila pahihirapan ni gagambalain man ng masasamang tao, 10
gaya ng nangyari sa kanila nang unang maglagay ako ng mga hukom sa aking bayang
Israel. Papasukuin kong lahat ang iyong mga kaaway at patatatagin ko ang iyong
angkan. 11 Pagkamatay mo, isa sa mga anak mong lalaki
ang hahalili sa iyo bilang hari, at patatatagin ko ang kanyang kaharian. 12 Siya ang magtatayo ng aking templo at magiging walang
katapusan ang kanyang paghahari. 13 Ako'y kanyang
magiging ama at siya'y aking magiging anak. Hindi magbabago ang aking pag-ibig
sa kanya, di tulad ng ginawa ko sa sinundan mo. 14
Siya ang pamamahalain ko sa aking bayan at kaharian habang panahon. Mananatili
magpakailanman ang kanyang trono.' " 15 Sinabi
ni Natan kay David ang lahat nang narinig at nakita niya sa pangitain.
Note: In verse 10
I
CHRONICLES 21:24-26
24 Ngunit
sinabi ni David kay Ornan, "Hindi! Ibibigay ko sa iyo ang eksaktong bayad.
Hindi ako maghahandog kay Yahweh ng bagay na hindi akin at ng anumang walang
halaga." 25 Kaya't binili ni David kay Ornan ang
lugar na iyon sa halagang animnaraang pirasong ginto. 26
Nagtayo siya roon ng altar para kay Yahweh at nagdala ng handog na susunugin at
handog pangkapayapaan. Nanalangin siya kay Yahweh at sumagot naman si Yahweh sa
pamamagitan ng apoy buhat sa langit upang sunugin ang mga handog sa ibabaw ng
altar.
I
CHRONICLES 22:1,5
1 Sinabi
ni David, "Dito itatayo ang Templo ng Panginoong Yahweh. Dito rin ilalagay
ang altar ng mga susunuging handog para sa Israel." 5
Sinabi ni David, "Napakabata pa ng anak kong si Solomon at wala pa siyang
karanasan. Dahil dito'y ihahanda ko ang lahat ng kailangan sa ipatatayo niyang
Templo ni Yahweh. Kailangang ito'y walang kasingganda upang ito'y matanyag at
hahangaan ng buong daigdig." Naghanda nga si David ng napakaraming
kagamitan bago pa siya namatay.
I
CHRONICLES 29:3,9-19
3 Hindi lang iyan, pati na ang sarili kong pilak at
ginto ay inilaan ko na rin sa gawaing ito, sapagkat kasiyahan kong magkaroon ng
Templo ang aking Diyos. 9 Masayang-masaya ang mga tao sa kanilang mga
kusang-loob na panghandog kay Yahweh, at labis din itong ikinatuwa ni Haring
David. 10 Sa harapan ng mga tao'y tuwang-tuwa si David na nagpuri kay Yahweh.
Sinabi niya, "Purihin kayo magpakailanman, Yahweh, ang Diyos ni Israel na
aming ama. 11 Sa inyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang
pagtatagumpay sapagkat inyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa inyo ang
kaharian at kayo ang dakila sa lahat. 12 Sa inyo nagmumula ang kayamanan at ang
karangalan at kayo ang naghahari sa lahat. Taglay ninyo ang kapangyarihan at
kadakilaan, at kayo ang nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa lahat. 13
Pinasasalamatan namin kayo, O Diyos, at pinupuri ang inyong maluwalhating
pangalan. 14 "Ngunit sino ako at ang bayang ito? Buong puso kaming
nagkakaloob sapagkat ang lahat ng ito ay galing sa inyo at ibinabalik lamang
namin. 15 Tulad ng aming mga ninuno, kami nga'y mga dayuhan at naglalakbay
lamang. Ang buhay namin sa daigdig na ito ay parang anino at pansamantala
lamang. 16 O Yahweh na aming Diyos, ang lahat ng kayamanang ito na aming
ibinigay para ipagpagawa ng inyong tahanan ay sa inyo rin nagmula. 17 Alam kong
sinasaliksik ninyo ang puso ng bawat tao, at natutuwa kayo sa mga matuwid. O
Diyos, buong puso kong ipinagkakaloob sa inyo ang lahat ng ito. Nasaksihan ko
rin ang buong puso at may kagalakang pagkakaloob ng inyong bayan na narito
ngayon. 18 Yahweh, Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob na aming mga ninuno,
panatilihin ninyo sa isipan ng inyong bayan ang mga layuning ito, at akayin
ninyo silang palapit sa inyo. 19 Tulungan ninyo ang anak kong si Solomon na maging
tapat sa pagsunod sa inyong mga utos at tuntunin upang maitayo niya ang
Templong aking pinaghandaan."
II
CHRONICLES 6:18-35
18
"Subalit maaari po bang manirahan sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang
kataas-taasang langit, ay hindi sapat na maging tahanan ninyo, ito pa kayang
hamak na Templong aking itinayo? 19 Gayunman,
pakinggan po ninyo Yahweh, aking Diyos, ang panalangin at pagsusumamo ng inyong
lingkod. 20 Huwag ninyong iwaglit sa inyong paningin
araw-gabi ang Templong ito, yamang ipinangako ninyong dito sasambahin ang
inyong pangalan. Pakinggan sana ninyo ako kapag ako'y humarap sa Templong ito
at nananalangin. 21 "Pakinggan po ninyo ang
inyong lingkod at ang inyong bayan tuwing kami'y mananalangin na nakaharap sa
lugar na ito. Pakinggan ninyo kami mula sa langit na inyong tahanan at sana'y
patawarin ninyo kami. 22 "Sakaling magkasala ang
isang tao sa kanyang kapwa at siya'y panumpain sa harap ng inyong altar sa
Templong ito, 23 pakinggan po ninyo siya, Yahweh,
buhat sa langit. Kayo ang humatol sa inyong mga lingkod. Parusahan ninyo ang
nagkasala ayon sa bigat ng kanyang kasalanan at pagpalain ang walang sala. 24 "Sakaling ang inyong bayang Israel ay matalo ng
kaaway dahil sa kanilang pagkakasala sa inyo, sa sandaling sila'y magbalik-loob
sa inyo, kumilala ng inyong kapangyarihan, nanalangin at nagsumamo sa inyo sa
Templong ito, 25 pakinggan po ninyo sila mula diyan
sa langit. Patawarin po ninyo ang inyong bayan at ibalik ninyo sila sa lupaing
inyong ibinigay sa kanilang mga ninuno. 26
"Kapag pinigil ninyo ang ulan sapagkat nagkasala sa inyo ang inyong bayang
Israel, at kung sila'y manalangin sa Templong ito, magpuri sa inyong pangalan
at magsisi sa kanilang kasalanan at kilalaning iyon ang dahilan ng inyong
pagpaparusa, 27 pakinggan po ninyo sila mula sa
langit. Patawarin ninyo ang inyong mga lingkod, ang inyong bayang Israel. Ituro
ninyo sa kanila ang landas na dapat nilang tahakin. Papatakin na ninyo ang ulan
sa lupaing ipinamana ninyo sa inyong bayan. 28
"Kapag nagkaroon ng taggutom at salot sa lupain, kung malanta at matuyo
ang mga halaman, kung ang mga ito'y salantain ng higad at balang, at kung ang
alinman sa kanilang mga lunsod ay makubkob ng kaaway, kung lumaganap ang sakit
at salot, 29 sa sandaling ang inyong bayang Israel o
sinuman sa kanila ay magsisi at iunat ang mga kamay na nananalangin paharap sa
lugar na ito upang tumawag at magmakaawa sa iyo, 30
pakinggan ninyo sila mula sa langit na inyong trono at patawarin ninyo sila.
Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanyang mga gawa, sapagkat kayo
lamang ang nakakaalam ng nilalaman ng puso ng tao. 31
Sa ganoon, mananatili silang may takot sa inyo habang sila'y nabubuhay dito sa
lupaing ibinigay ninyo sa aming mga ninuno. 32
Idinadalangin ko rin ang dayuhang mula sa malayong lugar at hindi kabilang sa
inyong bayang Israel na magsasadya sa Templong ito upang manalangin sapagkat
nabalitaan ang inyong dakilang pangalan at kapangyarihan. 33
Pakinggan ninyo siya mula sa langit na inyong trono at ipagkaloob ninyo sa
kanya ang kanyang hinihiling. Sa ganoon, kikilalanin ng lahat ng tao sa daigdig
ang inyong pangalan. At tulad ng Israel, malalaman nila na kayo ay sinasamba sa
Templong ito. 34 "Kapag ang inyong bayan ay
nakipagdigma laban sa kanilang mga kaaway bilang pagsunod sa inyong utos, at
sila'y nanalangin na nakaharap sa lunsod na ito na inyong pinili at sa Templong
aking ipinatayo upang dito'y sambahin kayo, 35
pakinggan po ninyo sila mula sa langit. Pagtagumpayin ninyo sila.
EZEKIEL
6:8
8 Iniuutos
ko ring tumulong kayo sa gawaing ito. Ang lahat ng gastos dito ay kunin ninyo
sa kabang-yaman ng kaharian na mula sa mga buwis ng Kanluran-ng-Eufrates. Dapat
na bayaran agad ng husto ang mga taong ito upang hindi maantala ang gawain.
ISAIAH
28:16,17
16 Ito
ngayon ang sinasabi ng Panginoong Yahweh:"Naglalagay ako sa Zion ng
batong- panulukan, subok, mahalaga, at matatag na pundasyon;'Ang magtiwala
rito'y hindi mapapahiya.' 17 Gagawin kong panukat ang
katarungan,at pamantayan ang katuwiran; wawasakin ng bagyoat aanurin ng baha
ang lahat ng silungan ng kasinungalingan.
JOHN
2:13-22
13 Malapit
na ang Paskwa ng mga Judio kaya't pumunta si Jesus sa Jerusalem. 14 Nakita niya sa Templo ang mga nagtitinda ng mga baka,
tupa at kalapati, at ang mga namamalit ng salapi. 15
Kumuha siya ng lubid at ginawa iyong panghagupit, at ipinagtabuyan niyang
palabas ang mga nagtitinda, pati na ang mga baka at tupa. Isinabog niya ang
salapi ng mga namamalit ng pera at ipinagtataob ang kanilang mga mesa. 16 Pinagsabihan niya ang mga nagtitinda ng kalapati, Alisin
ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama! 17 Naalala ng kanyang mga alagad ang sinasabi sa kasulatan,
Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban. 18 Dahil dito'y tinanong siya ng mga pinuno ng Judio, Anong
himala ang maipapakita mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito? 19 Sumagot si Jesus, Gibain ninyo ang Templong ito, at sa
loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo. 20
Sinabi ng mga pinuno ng Judio, Apatnapu't anim na taong ginawa ang Templong
ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw? 21
Ngunit ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan. 22 Kaya't nang siya'y muling mabuhay, naalala ng kanyang
mga alagad na sinabi niya ito, at lalo silang naniwala sa kasulatan at sa mga
itinuro ni Jesus.
MATTHEW
21:12,13,23,31,42-46
12 Pumasok
si Jesus sa Templo at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagbibili at
namimili roon. Ipinagtataob niya ang mga mesa ng mga namamalit ng salapi at ang
mga upuan ng mga nagtitinda ng kalapati. 13 Sinabi
niya, "Sinasabi sa Kasulatan, 'Ang
aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan.' Ngunit ginawa ninyo itong lungga
ng mga magnanakaw." 23 Pumasok si Jesus sa Templo.
Habang siya'y nagtuturo doon, lumapit sa kanya ang mga punong pari at ang mga
pinuno ng bayan, at siya'y tinanong, "Ano ang karapatan mong gumawa ng mga
bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang gumawa nito?" 31 Sino
sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama?" "Ang nakatatanda po," sagot nila.
Sinabi sa kanila ni Jesus, "Tandaan ninyo: ang mga maniningil ng buwis at
ang mga bayarang babae ay nauuna pa sa inyong pasakop sa paghahari ng Diyos. 42 Nagpatuloy si Jesus, "Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang
ito sa Kasulatan? 'Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong-panulukan. Ginawa ito ng Panginoon, at ito'y kahanga-hangang pagmasdan!' 43 "Kaya nga sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay kukunin
sa inyo at ibibigay sa mga taong tapat na maglilingkod sa kanya. 44 Ang
bumagsak sa batong ito ay magkakadurug-durog at ang mabagsakan nito'y
magkakaluray-luray." 45 Narinig ng mga
punong pari at ng mga Pariseo ang mga talinhaga ni Jesus at naunawaan nilang
sila ang pinapatamaan niya. 46 Siya'y dadakpin sana nila ngunit natakot sila sa
mga tao, sapagkat kinikilala ng mga ito na si Jesus ay isang propeta.
I
CORINTHIAN 3:16,17
16 Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo
ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo? 17Kung gibain
ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng
Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.
EPHESIAN
2:19-22
19 Kaya nga hindi na
kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga kababayan na
kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios, 20 Na mga itinatayo sa ibabaw ng
kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang
pangulong bato sa panulok; 21Na sa kaniya'y ang buong gusali, na
nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal sa
Panginoon; 22Na sa kaniya'y itinayo naman kayo upang maging
tahanan ng Dios sa Espiritu.
1
PETER 2:4, 5-8
4 Sa isang manang di nasisira,
at walang dungis, at hindi kumukupas, na inilaan sa langit para sa inyo, 5 Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng
pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon. 6 Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't ngayo'y sa sangdaling
panahon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok, 7 Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa
ginto na nasisira bagama't ito'y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan
sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo:
8 Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:
8 Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:
More Scripture reference to read:
Deuteronomy 12:5-14 Yahweh foretells
of His designated place where His name would dwell and Israel would offer their
sacrifices (Deuteronomy 12:26; 14:23; 15:20; 16:2; and 17:8). Yahweh’s dwelling
place, His holy house
1 Chronicles 17:9-14 Yahweh said He would build a
house for you, a house for David through his descendants, a house of people and
that David’s son would build a house for Yahweh.
This is a dual prophesy with Messianic implications.
Two of David’s descendants built temples for Yahweh – Solomon and Jesus.
(16-27) – David’s prayer in response
1 Chronicles 21:18-22:5 - The very place that David
and Israel received forgiveness as Yahweh accepted the sacrifice by fire was
“the” location that God told Moses about.
29:1-20 The pure and lovely heart of David and the
people is extraordinarily HOLY.
2 Chronicles 6:1-10, 12-42 Solomon’s prayer of
dedication
7:1-3 The glory of Yahweh filled the Temple; 12-22
Yahweh appears to Solomon
2 Chronicles 33:4-9 Yahweh decides with him that it
was all over. In the day of Ezekiel, the glory of Yahweh was removed never
again to return.
Isaiah 28:16 &17
John 2:13-16 They had desecrated the holy house of God
just as in old times.
17-22 Jesus called himself the Temple.
Matthew 21:12 &13, 23-45, 42-44
1 Corinthians 3:16 &17; Ephesians 2:19-22
Acts 2:1-4 The glory appeared again, but this time it
was not upon the Temple; rather, it was on the apostles in the Temple.
Ephesians 1:22, 23; 3:19; and Colossians 1:18-20 As
the glory of Yahweh filled the Temple today, He fills His new habitation, the
church.
Acts 4: 5-12 - Important to note is how this metaphor
applies not only to Jesus but also to those who reject him. Peter’s use is very
appropriate.
1 Peter 2: 4 -8 We should think of ourselves as the
Temple of God, the place of His dwelling. As a living stone of this glorious
Temple, how do you want to present yourself?
Exodus 19:5 &6; Isaiah 61:6; Revelation 5:9 and 10
As priests today, saints offer not the animal sacrifices of the old covenant
but spiritual sacrifices:
Romans 12:1 Your life; Philippians 4:15 financial
offerings; Hebrews 13:16 praise